Halimbawang Sitwasyon: may takda kang “flight” sa araw ng lingo sa Zest air, tinawagan ka ng nasabing kumpanya at sinabing inusod sa Lunes ang iyong “flight, kahit na nagngingitngit ka na sa galit at gustong gusto mo nang bakbakan ang kausap mo, sumangayon ka pa rin sa “re-scheduled flight”. Nang dumating ka sa airport nang araw ng Lunes, nalaman mo nalang na wala ang iyong schedule at wala ni isang eroplano na lilipad para sa Zest air. Ang pinakamalupet pa dito, pinagmumulta ka pa dahil di mo nasunod ang nauna mong “flight schedule” na Linggo. Tinawagan mo ang Zest air ukol dito ngunit wala din silang nabigay na solusyon at sinabing tatawag na lamang silang muli. Naghintay ka at nainip dahil puti na ang mga mata mo’t wala pa ring tawag, sinubukan mong tumawag ngunit tila ba ayaw ka nilang kausapin dahil hindi nila sinasagot ito.
Gagawin kong kaintindi-intindi sa mga mambabasa ang aking saloobin na aking ipapahayag sa lathalang ito. Upang maunawaan din ng mga makakabasang mga taga hinayupak na Pest air, este Zest air pala. Naghuhumindik talaga ang galit ko sa mga sitwsyong nauugnay sa nangyari dyan sa walang kwenta kung magserbisyo na zest air na yan! Kung sa akin nangyari yang mga pinagagagawa ng bulok na zest air na yan hindi ko titigilan ng pangungutya yung kumpanya nilang kasing kupad ng pagong sa pagasenso. Matotorete kayo sa mga ibabanat ko sa inyo hanggang sa magsara na kayo. Hindi mo malaman kung saang lupalop ng mundo nakakuha ng edukasyon yang mga taong nasa likod ng magccrush landing na kumpanyang yan na ultimo simpleng bagay na aayusin hindi nila magawa ng ayos! Ikaw ba naman pumunta sa airport at walang makitang eroplano para sa Zest air, na dapat ay “Zest where?” (air, Where, magkasingtunog.) na ang pangalan dahil hindi mahagilap. Hindi ko alam kung saan sila nakahugot ng napakalaking lakas ng loob upang patuloy na itaguyod ang basura nilang pagpeperwisyo, este pagseserbisyo pala. Yan ba ang natutunan nila sa politika ng pilipinas? Ang mangurakot? Aba , wag nang balakin na tumakbo sa politika ng mga taong nasa likod ng Zest air, dahil alam nyo na ang gagawin nila, ngayon pa nga lang sa kumpanya nila, nagwawarm up na ng kurapsyon. Eto pa isa, Nakakatuwang isipin na ang isang “customer care hotline representative” na inapunto upang tumugon sa mga tawag ng mga “customer” ay takot sumagot ng telepono. Biglang nagka ’PHOBIA’ sa telepono?? Marahil pati siya ay nahihiya sa kinalalagyan niya bilang empleyado ng west air, este best air, ay nest air, kung anu man yung pangalan, di naman kasi kilala. At pag once na sinagot nila yan, paduduguin ko ung teynga nilang nagbibingibingihan! Aba aba aba.. maling mali ang kanilang ginagawa, para silang nagtatago sa inutang nilang hindi nila mabayaran. Malamang kinakailangan nang magpalit ng pangalan nung mga taong nasa kumpanya na yan (ayoko ng banggitin ang pangalan ng kumpanya, naaalibadbaran ako) dahil sa kahihiyan. “malpractice” ang kanilang ginagawa, akala ata nila eroplanong papel ang kanilang pinatatakbo. Hoy! Gumising gising naman kayo at baka akala ninyo ay ayos lang ang papetikspetiks nyo dyan. MAJOR MAJOR NA DISASTER ANG DINULOT NYO SA CUSTOMER NYO HO! Malaki-laki ata ang kakuulangan ninyo sa bitamina ano? napaka malnourish ng paguutak ninyo! Pero tamang tama ang napili ninyong negosyo ha, airlines, kasi tulad ng mga airplanes,,, kayo ay mga LUTANG! Kasi naman, kayo na nga yung nagre-sched tapos di nyo maalala, anu yun? May amnesia? Call the doctor very quick! Kesa dumami pa ang ma perwisyo ninyo.. at paki train ulit ang mga agent ninyo sa hotline HA?, di ata sila aware kung ano ang ring ng telepono, taong bundok? O sya.. sana matuto kayo dito sa mga pinagpopopopost ng mga tao sa mga blog nila. Nakakahiya no? well ganun talaga, kayo kasi eh! Di nyo inaayos buhay nyo.. haha!! napakamiserable ng kumpanya ninyo! PW*T AIR!! HAHA!
hahahah! pest air at Pw*t air. loving the wordplay!
ReplyDeletepeste talaga.. tsk tsk tsk...
ReplyDelete